44

By

Kamay ni Banchero lumobo, pero magtatrabaho

Namaga ang kanang kamay ni Chris Banchero nang mataga sa second quarter ng knockout game ng Alaska at NLEX sa MOA Arena, Biyernes ng gabi.

Papasok sa final 2 minutes ng period, nilabas ni coach Alex Compton ang kanyang guard at hindi na ibinalik.

Hindi na kinailangan si Banchero dahil nagawang lumamang ng Aces ng hanggang 28 bago kinumpleto ang 88-80 win para sikwatin ang huling tiket sa PBA Philippine Cup quarterfinals.

Para mawala ang maga, binalot ng yelo ang kamay ni Banchero.

Isang araw na nakapahinga, inaasahan ni Banchero na makakalaro siya ngayong araw sa quarters laban sa No. 1 Phoenix.

“It got chopped by (JR) Quinahan, but I think I’d be ready to play, ready to go by Sunday,” ani Banchero. “Just painful right now, it’s swollen.”

Sa eliminations, dinispatsa ng Phoenix ang Alaska 94-80 noong March 1.

Tatlong do-or-die games ang dadaanan ng Aces bago makarating sa semifinals. Nalaktawan nila ang una laban sa NLEX, may dalawa pa kontra Fuel Masters. Kailangang dalawang beses talunin ng Aces ang Phoenix para umabante.

“It’s gonna be a good battle,” suma ni Banchero. “They’re gonna put the pressure on us full court. They had time to rest, so they’ll be more prepared.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?