26

May 6, 2021 @ 12:54
By

Kamara walang trabaho sa susunod na linggo

Sarado ang mga tanggapan ng Kamara de Representantes sa susunod na linggo.

Ayon sa Memorandum na ipinalabas ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza walang pasok ang mga tanggapan ng Kamara mula Mayo 10 hanggang 14 upang mapaghandaan ang pagbubukas ng sesyon sa Mayo 17.

Ang buong House of Representatives complex ay sasailalim sa disinfection, ayon sa Memorandum.

Magbubukas ang sesyon sa Mayo 17 at magtatanggal hanggang Hunyo 4.

Nauna ng sinabi ni Speaker Lord Allan Jay Velasco na gagawing prayoridad ng Kamara ang pagpasa ng Bayanihan to Arise As One o Bayanihan 3 upang matugunan ang mga pangangailangan bunsod ng problemang dala ng pandemya.

Wala namang sesyon mula Hunyo 5 hanggang Hulyo 26. Sa pagbubukas ng sesyon sa Hulyo 27 isasagawa rin ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,