114

By

Kamara tablado pa rin kay Diokno

Hindi pa rin dumalo sa pagdinig sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Budget Secretary Benjamin Diokno kaugnay sa insertion sa 2019 national budget.

Sa halip ay nagpadala na lang ito ng mga dokumento sa House Appropriations Committee.

Paliwanag ng kalihim sa hindi pagdalo, isang araw lang umano ang pagitan sa pagtanggap niya sa subpoena na inisyu ng komite sa kanya, sa araw naman ng pagdinig.

Hinihiling ng kalihim na mai-reset sa ibang araw ang pagdinig.

Iginiit ni Diokno na makikipagtulungan siya sa pagdinig pero kailangan niya muna at ng kanyang ahensiya ng sapat na panahon at pantay na imbestigasyon.

Labag din umano sa House rules ang pag-iisyu ng subpoena sa kanya dahil kinakailangang tatlong araw ang pagitan nito bago ang pagdinig.

Sa kabila nito, itinuloy pa rin ni Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya Jr., ang House committee inquiry.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?