46

By

Kamara pinaburan ang pagkastigo kay Bertiz sa NAIA viral video

Sharing is caring!

Nagkaisa ang Kongreso na makastigo o ma-reprimand si ACTS OFW party-list Representative John Bertiz III kaugnay nang nag-viral na video kung saan nakitang nakipagkumpronta ito sa isang airport personnel.

Sa botong 159 sa affirmative side, isa naman ang tumutol at tatlo ang nag-abstain, ang mosyon ni Minority Leader Danilo Suarez na ma-reprimand si Bertiz, imbes na masuspende, ay kinatigan ng Kamara.

Matatandaan na nangyari ang insidente noong umayaw si Bertiz sa security protocol na nagpapatanggal sa kanyang sapatos.

Nagpaliwanag si Bertiz na ang naging ugat ng nangyaring insidente ay nang may pinalusot umano ang checker na ‘Chinese-looking’ na indibiduwal sa nasabing security protocol.

Sa kanyang naging privilege speech, muling humingi ng tawad si Bertiz sa kanyang mga kasamahan sa Kamara.

“Naiintindihan ko po, at buong puso ko pong tinatanggap ang aking mga pagkakamali. Patawarin po ninyo ako,” pakli ni Bertiz.

“Ako po ay susunod kung ano mang pasya ang nakikita ninyong pinakamainam. Nagtitiwala po ako na justice at fairness ang magiging gabay ninyo sa pagpapasya sa isyung ito,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?