54

Jul 20, 2021 @ 18:55
By

Kamara pabor sa POGO tax version ng Senado

Pabor ang Kamara de Representantes sa bersyon ng Senado kaugnay ng panukalang pagbubuwis sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, pumayag si Speaker Lord Allan Jay Velasco sa rekomendasyon ng House Committee on Ways and Means na tanggapin ang bersyon ng Senado upang mas mabilis itong maisabatas.

Sa unang taon ng implementasyon ng panukala, sinabi ni Salceda na inaasahang kikita ang gobyerno ng P13.4 bilyon at P176.9 bilyon sa loob ng limang taon.

Inaasahan umano na lalakas ang operasyon ng mga POGO kapag nakabawi na ang ekonomiya ng China.

“Yesterday, the Speaker and I had extensively discussed policy reforms. One item we talked about was the POGO tax reform. I explained the differences between the House and the Senate versions. I showed that the Senate version is primarily a restatement of the House version. There are absolutely no differences in revenues raised. The tax administration provisions are slightly different, but any rough edges can be resolved by regulation,” sabi ni Salceda.

Ang bersyon ng Kamara at Senado ay kapwa nagpapataw ng 5% buwis sa gross gaming receipts ng mga offshore gaming licensees at 25% buwis sa gross income ng mga dayuhan na nagtatrabaho sa mga service provider ng POGO.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?