By

Kamara, OK sa rebyu pero ayaw suspendihin ang TRAIN Law

Sharing is caring!

Bukas ang Kamara na pag-aralan muli ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law bunsod ng mabigat na epekto nito sa presyo ng mga bilihin.

Ayon kay House ways and means committee chairman Dakila Carlo Cua, hindi nila babalewalain ang mga panawagan para sa rebyu ng TRAIN Law dahil lagay ng ekonomiya ang pinag-uusapan dito.

Pero tutol si Cua sa mga suhestiyon na suspendihin muna ang implementasyon ng nasabing batas habang nirerebyu.

Kumpiyansa si Cua na kumikilos ang economic managers para baguhin ang monetary policy para mapatatag ito sa gitna ng epekto ng TRAIN.

Pero hindi aniya puwedeng basta suspendihin dahil mabigat din ang implikasyon nito sa kaban ng gobyerno.

Binigyang-diin ni Cua na iresponsable ang basta na lamang itigil ang implementasyon ng nasabing batas.

May mga safety net din naman aniya ang TRAIN Law para protektahan ang publiko sa epekto nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?