27

Sep 29, 2021 @ 15:19
By

Kamara niratipika panukalang magpapabilis ng pag-aampon

Niratipika ng Kamara de Representantes ang Bicameral conference committee report sa panukala na magpapasimple ng pag-aampon sa bansa.

Ang ulat kaugnay ng magka-ibang probisyon ng House Bill 8998 at Senate Bill 1933 ay inaprubahan ng Kamara sa pamamagitan ng voice voting.

Layunin ng panukalang Domestic Adoption Act na gumawa ng mas simple at mabilis na proseso ng pag-aampon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?