97

Sep 17, 2021 @ 13:18
By

Kamara nakiramay sa pagpanaw ni dating Northern Samar Rep. Emil Ong

Nagdalamhati ang Kamara de Representantes sa pangunguna ni Speaker Lord Allan Jay Velasco sa pagpanaw ni dating Northern Samar Rep. Emil Ong.

“Our heartfelt prayers and sympathies to the family and loved ones he has left behind,” sabi sa pahayag ng Kamara.

Sinabi ni House Majority Leader at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na hindi matatawaran ang naging pagseserbisyo ni Ong sa kanyang distrito.

“Hindi po makakalimutan ang kanyang di matatawarang paglilingkod para sa kapakanan ng kanyang mga minamahal na kababayan,” sabi ni Romualdez.

Si Ong ay naging kinatawan ng ikalawang distrito ng Northern Samar noong 14th, 15th at 16th Congress.

Ang kapatid nito na si Jose Ong Jr. ang kasalukuyang Representante ng distrito. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?