37

Sep 29, 2021 @ 17:45
By

Kamara may ‘K’ magpalabas ng arrest warrant

Isang opsyon ng Kamara de Representantes ang magpalabas ng arrest warrant laban sa resource person na hindi haharap sa pagdinig ng komite nito.

Ito ang sinabi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa gitna ng usapin kaugnay ng pagpapalabas ng Kamara ng subpoena sa opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corp., na si Krizle Grace Mago na nagsabi na pinalitan ang expiration date ng face shield na ibinenta sa gobyerno noong nakaraang taon.

“The proper course of action, kung hindi talaga matanggap ‘yung subpoena, then of course, the second course of action usually is we issue a warrant of arrest,” sabi ni Pimentel, vice chairperson ng House Committee on Good Government and Public Accountability na nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng Pharmally deal.

Nilinaw naman ni Pimentel na ang pagpapalabas ng arrest warrant ay matagal ng bahagi ng proseso ng Kamara.

“Let’s say if the resource persons we invited, on the second invitation hindi pa rin sila dumadating, then we cite them in contempt and issue a subpoena for them to appear,” paliwanag ni Pimentel. “Pag di pa rin sila nag-appear after subpoena, then we can now issue a warrant of arrest for them to be signed by the Speaker.”

Pagpapatuloy pa ng solon: “But I’m not saying at this time, magi-issue na kami ng warrant of arrest, just for clarification.”

Sa Oktubre 4 ay muling magsasagawa ng pagdinig ang komite.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?