356

Feb 24, 2020 @ 21:00
By

Kamara may ebidensiya kontra ABS-CBN

May ebidensiya umanong hawak ang Kamara na magpapatunay ng paglabag ng pamunuan ng ABS-CBN partikular ang pagkiling nito sa ilang kandidato noong 2016 presidential elections.

Ito ang isiniwalat ni House Speaker Alan Peter Cayetano kasabay ng pagsasabing marami pang mabubunyag oras na simulan ng Kamara ang pagdinig nito ukol sa panukalang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Partikular umano dito ang katibayan na may mga pagkakamali ang naturang TV network tulad ng pagkiling nito sa ilang kandidato.

“There are still a lot of facts that will come out later on that will show that there was some lapses at the very least or at worst na tumaya talaga ang ABS-CBN management for some candidates, we have the evidence for that,” ayon kay Cayetano.

Dahil dito, dagdag ni Cayetano, ang pagdinig ng Senado ay wala pa umano sa kalingkingan ng buong istorya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?