23

Kamara may 3 bagong komite

Sharing is caring!

Lumikha ng tatlong bagong komite ang Kamara kabilang ang pagbuhay sa oversight panel bilang bahagi ng patuloy na reorganization process sa ilalim ng liderato ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Bukod sa House oversight committee na binuwag noong Aquino administration, sinabi ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na binuo rin ang House committee on disaster management at ang House special committee on senior citizens.

Dahil dito’y nasa 62 na mula sa kasalukuyang 60 ang standing committees at 16 naman mula sa kasalukuyang 15 ang special committees sa Kamara.

Nauna nang sinabi ni House Minority Leader Danilo Suarez, dating chairman ng House committee on oversight noong 14th Congress na muling ibibigay sa kanya ang chairmanship ng nasabing panel.

Trabaho ng oversight committee na bantayan at i-evaluate ang performance ng mga ahensiya ng gobyerno.

“The principle of checks and balances is embedded in our Constitution to ensure that there will be no abuse of power and to correct mistakes or excesses committed by the other branches of the government,” diin ni Suarez.

“This shall coincide with the thrust of this administration against corruption, the improvement of the absorptive capacity of all government agencies, provision of basic services, and economic, social and infrastructure development in the country,” dagdag ng mambabatas.

Napili naman si Bataan Rep. Geraldine Roman bilang chairperson ng disaster management committee habang ang House special committee on senior citizens ay pamumunuan ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?