73

Jan 15, 2018 @ 23:29
By

Kamara, may 2 bagong kongresista

Nanumpa na bilang mga bagong miyembro ng mababang kapulungan ng Kongreso ang dalawang kapalit ng mga naunang nagbitiw.

Pinalitan ni Anak Mindanao Rep. Amihilda Sangcopan si dating Rep. Sitti Djalia Turabin-Hataman.

Si Sangcopan ay dating chief of staff ng asawa ni Turabin-Hataman na si ARMM Regional Governor Mujiv Hataman.

Nagsilbi rin ito bilang kalihim ng ARMM-Department of Agrarian Reform bago nahirang bilang third nominee ng Anak Mindanao Partylist.

Nanumpa rin si Atty. Ciriaco Calalay bilang kinatawan ng KABAYAN Partylist, kapalit naman nang nagbitiw na si dating Kabayan Rep. Harry Roque na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang presidential spokesperson. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?