25

By

Kamara makikipagpulong sa Senado hinggil sa cash-based budget

Sharing is caring!

Kakausapin ng liderato ng Kamara sa Lunes ang kanilang counterparts sa Senado kaugnay ng kontrobersyal na cash-based budget.

Kahapon ay nakipagpulong din si House appropriations committee chairman Karlo Nograles sa mga kinatawan ng Department of Budget and Management (DBM) para iparating ang sentimyento ng mga kongresista.

Ayon kay Nograles, tatalakayin nila sa mga senador ang isyu at mga posibleng opsyon para maisaayos ang 2019 budget.

Sa ilalim ng panukalang P3.757 trilyon cash-based budget sa susunod na taon, ang alokasyon ng pondo ay limitado lamang sa loob ng isang taon at tatlong buwan ng susunod na taon o hanggang Marso 2020.

Nais ng Kamara na bumalik sa dating sistema na obligation-based budget dahil sa pangambang malagay sa alanganin ang mahahalagang programa at proyekto ng gobyerno sa ilalim ng cash-based budgeting.

Kumpiyansa naman si Nograles na hindi mauuwi sa reenacted budget ang 2019.

Sabi ng kongresista, kailangan lamang maplantsa ang sistema para hindi naman masakripisyo ang serbisyo ng gobyerno sa publiko dahil sa tinapyas na mga pondo sa maraming ahensya gaya ng Department of Education, Commission on Higher Education, Department of Health at Department of Public Works and Highways.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?