16
kamara
By

Kamara, maglalabas ng resolusyon para gawing legal ang Angkas

Sharing is caring!

Binabalangkas na ng House Committee on Metro Manila Development ang hakbang para maging lehitimo ang operasyon ng ride application na Angkas.

Sa pagdinig kanina, sinabi ng chairman ng komite na si Quezon City Rep. Winston Castelo na maglalabas sila ng resolusyon para irekomenda sa Department of Transportation (DOTr) na kilalanin ang operasyon ng motorcycle taxis.

Gayundin, na ma-regulate sa ilalim ng DOTr ang sistema ng motorcycle for hire gaya ng ginawa sa Grab at iba pang ride-hailing app.

Ayon kay Castelo, sa susunod na pagdinig ay titingnan na nila ang guidelines ng ahensya kaugnay ng pagsasa-legal ng motorcycle taxis.

Una nang sinabi ng kongresista na madali namang kilalanin ng DOTr ang mga kagaya ng Angkas sa pamamagitan lamang ng pagpapalabas ng Department Order gaya ng ginawa sa transport network vehicle services o TNVS.

Sa hearing kanina, inihayag ni DOTr Usec. Richmond de Leon na bukas sila sa polisiyang binabalangkas ng Kamara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?