ABANTE ombudsman conchita carpio morales impeachment kamara
By

Kamara kulang na ang oras sa Morales impeachment – Umali

Sharing is caring!

Aminado ang chairman ng House justice committee na wala na silang sapat na panahon para maharap ang impeachment complaint laban kay Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, bukod sa abala ang mga kongresista sa impeachment ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, sisimulan na ring atupagin ng Kamara ang usapin sa isinusulong na pagpapalit ng sistema ng gobyerno tungkol sa federal form.

Sabi pa ni Umali, hindi na rin praktikal na i-impeach si Morales dahil magreretiro na ito sa Hulyo.

“As she approaches her retirement in July 2018, impeaching Ombudsman Morales is no longer practical and realistic. Let’s just wait for her retirement, especially now that we are very busy conducting hearings on the impeachment complaint against the Chief Justice and of course the push for federalism,” ani Umali.

Inihain ang impeachment complaint laban kay Ombudsman Morales noong December 13, pero wala pang miyembro ng Kamara ang nag-endorso nito.

Betrayal of public trust, graft and corruption at culpable violation of the Constitution ang grounds sa 94 na pahinang reklamo na inihain ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na kinatawan ni Atty. Manuelito Luna.

Nais ng VACC na ma-impeach si Morales matapos payagan umano si Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang na ilabas ang bank records ni Pangulong Rodrigo Duterte na anila’y labag sa patakaran. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?