25
rodolfo-farinas
Mar 6, 2018 @ 17:57
By

Kamara hindi muna aaksiyon sa Sereno impeachment complaint

Hihintayin na lamang ng Kamara ang desisyon ng Korte Suprema sa quo warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno bago pagbotohan sa plenaryo ang impeachment complaint laban sa punong mahistrado.

Naniniwala si House Majority Leader Rodolfo Farinas na hindi magtatagal ang pagresolba ng Supreme Court sa quo warranto dahil mahalaga ang usaping ito sa kataas-taasang hukuman.

“Pag nakikita ko na may serious challenge on the legitimacy of the officer in question, hihintayin ko muna yun, dahil hindi naman.. this will be of utmost importance by the Supreme Court.. that will be resolved in a month’s time, hindi naman magtatagal yan,” ani Farinas.

Katuwiran pa ng Majority Leader, wala nang dahilan para i-ratsada ang impeachment dahil meron na lamang natitirang pitong session days ang Kongreso bago ang Holy Week break.

“Even in the natural progression of time “mao-overtake-an” kami ng Supreme Court. If we vote on it a day after tomorrow, March 8 then it will be transmitted to me in the Committee on Rules, and the Committee on Rules has 10 days to include it in the calendar of business. So 10 session days yun. E ang natitirang session days as of today 7 na lang. We have only 7. So granting na isasama ko sa order of business iyan, pagbalik na namin ng May 14,” paliwanag ni Farinas.

“We’re looking at May 14 na already or after May 14 when we come back, because how can we act on it if we are adjourned? Naka-adjourn din yung Senate sowala. So May 14 that’s the soonest that we can take it up in plenary. So by May 14, tapos na ang Supreme Court diyan, they will have the whole month of April and half –month of March,” ayon sa Majority Leader.

Sinabi ni Farinas na sa ilalim ng rules, kailangang isama na ng komite ang Articles of Impeachment sa committee report bago dalhin sa plenaryo. Pag-aaralan pa anya ito ng rules committee para malaman kung may kulang at kailangang ayusin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?