78
acop
Jun 18, 2018 @ 14:15
By

Kamara, hati sa kampanya kontra tambay

Suportado ni Antipolo Rep. Romeo Acop ang pinaigting na kampanya kontra tambay.

Para kay Acop, chairman ng House committee on public order and safety, mga tamad lang ang tumatambay.

Katuwiran ng kongresista, hindi naman tatambay ang mga tao kung may pinagkakaabalahan.

Kung walang hanapbuhay, sinabi ni Acop na puwedeng gamitin ang oras para maghanap ng trabaho o anumang pagkakakitaan.

Hindi rin aniya katuwiran para tumambay kahit pa nasa bahay lang dahil maraming gawaing bahay.

“If people resort to a tambay mentality then laziness is not far behind. Would it not be more productive for tambays to do household work or look for work,” diin ni Acop.

Tutol naman sa paghuli sa mga tambay si Akbayan partylist Rep. Tom Villarin.

Ayon kay Villarin, nakababahala na mistulang itinuturing na national threat ang common crime gaya ng pagtambay.

Sabi ng kongresista, hindi malayong ang utos na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte ay unti-unting pagpapalawak ng martial law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?