57

By

Kamara ‘di makukulit ang Senado sa 2019 budget – Arroyo

Desidido ang liderato ng Kamara na maaprubahan ang panukalang P3.757-trillion 2019 national budget sa pagpapatuloy ng sesyon ng Kongreso bukas.

Tiniyak ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na kinokonsulta ng kanyang liderato ang mga senador at naghihintay na lamang ang mababang kapulungan na maipasa ng Senado ang pambansang pondo na nakabinbin pa sa plenaryo.

“We do (talking with senators), but we just let them do their own timetable. We cannot nag them. We cannot nag them on [passing] any of our measures,” sabi ni Arroyo.

Sinegundahan ito ni Deputy Speaker Raneo Abu na nagsabing nais ng Kamara na mapagtibay ang 2019 natiobal budget para matiyak ang implementasyon ng mga programa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“The house leadership is very keen on passing the 2019 annual budget when Congress resumes its session on Monday as there are lots of government programs and projects that are being tied or delayed due to the non-approval of the new budget,” ani Abu.

Sa pagbabalik ng sesyon, inulit ni GMA na tututukan ng mga Kamara ang oversight function nito sa pag-usisa sa performances ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pagpapatupad ng mga batas.

“We already finished the legislative agenda that President Duterte asked for in his SONA. So now we will spend more time on oversight, because there are laws and the laws are good. Now they have to be implemented…oversight will be a lot of the work,” pahayag ni Arroyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?