120

Dec 26, 2017 @ 17:21
By

Kamara, desididong patirhan ang Kalayaan Island Group

Inaprubahan ng House Committee on Natural Resources ang panukalang batas na nagdedeklara sa Kalayaan Island Group bilang “alienable at disposable” land para sa agrikultura, residential at commercial purposes.

Ang House Bill 5614 ay iniakda nina Speaker Pantaleon Alvarez at Majority Leader Rodolfo Fariñas.

Nakasaad sa panukala na kailangang ideklara ang Kalayaan Islands bilang alienable at disposable para maisulong ang permanenteng paninirahan dito at magkaroon ng kabuhayan ang mga residente.

Magpapalakas rin anila ang hakbang na ito sa business opportunities at kalakalan sa pamamagitan ng investments.

Binanggit nina Alvarez at Fariñas na ang Kalayaan Island Group ay mayamang pangisdaan at merong oil and natural gas reserves na mahalaga sa seguridad at ekonomiya ng bansa.

Pero atubili anila ang mga negosyante na mamuhunan dito dahil inalienable at non-disposable ang isla.

“Even residents who have been long tilling and developing the parcels of land within the Kalayaan Island Group cannot apply for title for their occupied area,” ayon kay Alvarez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?