187
abante-tnt-vismin-lacson-andaya
By

Kamara bumuwelta kay Lacson sa isyu ng pork barrel

Pinaalalahanan ni House majority leader Rolando Andaya si Senador Panfilo Lacson na maging ang mga senador ay nagpapanukala rin ng mga proyekto para sa kanilang mga constituent.

Sabi pa ni Andaya, hindi lamang naman ang Kamara ang nagdedesisyon sa inaaprubahang budget dahil dumadaan ito sa bicameral conference committee.

Malinaw anya ang direktiba ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa mga kongresista na sundin ang utos ng Korte Suprema kontra sa paggamit ng pork barrel.

“At hindi lang po House of Representatives. Tandaan po natin bicameral ‘to. Pati po [ang] Senado. ‘Yong mga gusto nilang proyekto sa mga lugar na nais nilang tulungan, lalabas at lalabas din po ‘yan. Hindi naman parang congressman lang ang gumagawa n’yan (proposing projects). Pati po senador, natural ginagawa po nila ‘yan. Hindi naman po papasa o papayag ang mga senador na lumusot po ‘yan kung wala rin po silang mailagay d’yan na nais nilang maibahagi na proyekto sa mga constituents po,” ani Andaya.

Una rito, sinabi ni Lacson na merong bilyones na pork barrel o Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa National Expenditure Program (NEP) sa susunod na taon dahil sa ‘no zero budget policy’ ni Arroyo para sa lahat ng miyembro ng Kamara.

Pero pagtitiyak ni Andaya, hindi babalewalain ng mababang kapulungan ang Supreme Court ruling na nagdedeklarang unconstitutional ang pork barrel at ang pwede lamang sa NEP ay line budgeting.

“Well ang interpretasyon po na sinusunod namin at ‘yon din po ang interpretasyon na sinusunod ng DBM (Department of Budget and Management) ay alinsunod doon sa Supreme Court ruling. Hindi ko lang alam kung ano ‘yong sinusunod ni Senador Lacson tungkol sa bagay na ‘to,” ayon kay Andaya.

“Pero maganda po ‘yan na nandyan si Senador Lacson na lagi pong nagbabantay. Oh baka nga masingitan tayo. Oh baka meron siyang maitulong din na mas mapaganda pa ang paggamit ng ating budget,” dagdag ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?