13

Jul 19, 2021 @ 20:01

Kamandag ng gagamba, sagip-buhay sa heart attack

Nakahanap ang grupo ng mga Australia-based scientist ng kamandag mula sa isang nakamamatay na katutubong gagamba na makakapagsalba ng buhay sa pamamagitan ng pagpigil sa nakamamatay na epekto ng atake sa puso.

Gumamit umano ang mga mananaliksik ng venom mula sa tipo ng funnel-web spider na isa sa nakamamatay na species para guma wa ng gamot na kalaunan ay gagamitin sa human trials.

Ayon kay University of Queensland scientist Nathan Palpant ang nasabing `venom’ ay nakakatulong para mapigil ang pagkamatay ng cells sa katawan matapos atakihin sa puso

“After a heart attack, blood flow to the heart is reduced, resulting in a lack of oxygen to heart muscle,” ani Palpant. “The lack of oxygen causes the cell environment to become acidic, which combine to send a message for heart cells to die.

Nabatid na matagumpay umanong nagagamit ang protein mula sa kamandag ng gagamba sa paglaban sa human heart cells.

“The Hi1a protein from spider venom blocks acid-sensing ion channels in the heart, so the death message is blocked, cell death is reduced, and we see improved heart cell survival,” dagdag ni Palpant.

Target umano ng University of Queensland na magsagawa ng human clinical trials sa mga na-stroke at mga may sakit sa puso sa loob ng 2-3 taon. (Juliet de Loza-Cudia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?