137

Sep 22, 2021 @ 14:52
By

Kamag-anak ni Cardo? Propesor nanlaban, napatay 2 hired killer

Nagkamali ng binangga ang dalawang hinihinalang hired killer sa Dau Odin Sinsuat, Maguindanao noong Martes matapos manlaban ng kanilang target at sila pa ang napatay.

Kinilala ang mga suspek na sina Montano Usman at Abdul Mama, pawang mga taga-Maguindanao rin.

Ang kanila sanang tutugisin ay si Prof. Daud Kadon ng Mindanao State University – Maguindanao.

Batay sa ulat ng pulisya, si Kadon ay sakay ng kanyang Toyota Fortuner Martes ng hapon ng paulanan ng putok ng dalawang suspek na sakay naman ng isang motor.

Bagamat tinamaan, nakipagpalitan ng putok si Kadon hanggang sa mapuruhan ang dalawa.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa tangkang pagpatay sa propesor. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?