62

Sep 13, 2021 @ 20:17
By

Kalye sa QC ipapangalan kay FPJ lusot sa Senado

Lusot na sa Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang isang panukala na naglalayong palitan ang pangalan ng Roosevelt Avenue sa Quezon City at isunod sa pangalan ng yumaong aktor na si Fernando Poe Jr.

Sa botong 22-0-1, inaprubahan ng Senado ang House Bill No. 7499 o ang pagpapalit sa pangalan ng Roosevelt Avenue na matatagpuan sa unang distrito ng Quezon City sa pangalan ng tinaguriang “Da King” ng pelikulang Pilipino.

Nag-abstain naman si Senadora Grace Poe, anak ng yumaong aktor, sa pagboto sa nasabing panukala.

Pinasalamatan naman ng senador ang kanyang mga kasamang senador sa pagpasa na panukala na bagama’t nag-abstain siya sa botohan, masaya naman siya na naipasa na ito.

“I purposely abstained because of our rule that it might be a conflict of interest. But in my heart I am so happy that this has passed. So thank you very much,” sabi ni Poe matapos maapruban ang panukala sa Senado.

Sa ilalim ng panukala, ang Department of Public Works and Highways ang gagawa ng ‘rules, orders and circular’ sa pagpapatupad ng probisyon sa loob ng 60 araw mula sa pagiging epektibo nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?