michael-jackson

Kalye sa Detroit, ipapangalan kay Michael Jackson

Sharing is caring!

Pararangalan ang king of pop sa pamamagitan ng paggamit ng pangalan nito sa isang kalye sa Motown sa Detroit, Michigan.

Tatawagin umanong “Michael Jackson Avenue” ang isang kalye rito.

Papalitan ng pangalan ang isang bahagi ng Randolph Street sa downtown theater district para kay MJ.

Mangyayari ang pagpapalit ng pangalan ng kalye sa Hunyo 15 kasabay ng Detroit Music Weekend outdoor festival.

Nagsimula umano ang career ng family group ni MJ na “Jackson 5” sa Detroit kung saan naging matagumpay ito.

Namatay si Michael noong 2009 sa edad na 50 dahil sa overdosed.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?