457

Nov 30, 2017 @ 18:43
By ,

Kalusugan ng QC residents, target ng FamilyDOC

Magtatayo ng kanilang sangay sa lungsod ng Quezon ang FamilyDOC upang pangalagaan ang kalusugan ng maraming mamamayan.

Ang FamilyDOC, bagong sangay ng 3-in-1 primary care clinics ng Ayala Healthcare Holdings Inc. (AC Health), ay nakipagtulungan sa Philippine Academy of Family Physicians (PAFP) upang ipakalat ang kalusugan at kaayusan sa bawat komunidad.

Ayon kay FamilyDOC General Manager Raymund Paul Darroca, ang samahan ay alinsunod sa kanilang adbokasiyang magbigay at ilapit ang maayos na pangangalagang pangkalusugan sa mas nangangailangan na komunidad.
Binigyan-diin ni Darroca na ang FamilyDOC ay itinatag noong 2015 upang punan ng mas malapit, mas mura, at may kalidad na pangunahing alagang-pangkalusugan ang mga middle-class family.

“We share the vision of PAFP in addressing the overall health and wellness of families and communities through family medicine. In the past, there were family doctors who were able to address the concerns of the entire family. We want to bring back the same personalized level of care to our clinics,” ayon kay Darroca.

Sa ilalim ng samahan, magsasagawa ang FamilyDOC at PAFP ng mga programang pangkalusugan katulad ng Kalusugan Mo, Aalagaan Ko, at Kalusugan Caravan, na ang layunin ay itaguyod ang malusog na pamumuhay sa iba’t ibang komunidad.

Kasama sa mga programang ito ang ilang serye ng diskusyon tungkol sa kalusugang pampamilya at paghinto sa paninigarilyo, fitness activities, pagbabakuna, at konsultasyong pangkalusugan. Ipapatupad ang mga programang ito sa loob ng tatlong taon.

Bukod sa samahan, in-accredit din ng PAFP ang FamilyDOC para sa Family Medicine Residency Training Program nito.

Nakasubaybay ang FamilyDOC sa pagiging pinakamalaking primary care clinic chain sa bansa na may 17 na sangay sa Cavite, Las Piñas, Parañaque, Pasig, at Pateros. (Dolly B. Cabreza/with trainee Bridgette Caminoc)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?