26

Apr 8, 2021 @ 12:38
By

Kaltas ng taripa sa pork import ‘bad news’ sa local hog raiser – Sotto

Masamang balita umano para sa mga lokal na magbababoy ang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pansamantalang pagkaltas ng buwis sa mga inaangkat na karne ng baboy mula sa ibang bansa, ayon kay Senate President Vicente Sotto III

“The local hog raisers will be utterly disappointed not to mention the members of the Senate! That is bad news,” pahayag ni Sotto sa kanyang text message sa ABANTE.

Executive Order (EO) Number 128 na pinirmahan ng Pangulo noong Abril 7, sinabi nitong kailangang maibaba pansamantala ang buwis sa imported na karne ng baboy dahil sa naging epekto ng African swine fever (ASF) sa bansa.

Mula sa dating 30% in-quota tariff ay tatapyasin ito ng 5% sa unang tatlong buwan habang 10% naman simula ikaapat na buwan hanggang sa ika-12 buwan at makalipas ang isang taon ay ibabalik muli sa 30% na taripa.

Pero giit ni Sotto, maari naman dagdagan ang maximum access volume (MAV) subalit hindi niya katanggap na babawan ang taripa ng inaangkat na karne ng baboy dahil tiyak na kikitil ito sa local hog industry ng bansa.

“The MAV could have been raised but not the lowering of tariff. The reason they are giving for the lowering of taxes is not acceptable. There must be something else. That’s what we want to find out on Monday,” sabi ni Sotto.

Sa Lunes, Abril 12, nakatakdang imbestigahan ng Senate Committee of the Whole ang diumano’y “tongpats” scheme sa Dapartment of Agriculture.

Nauna nang sinabi ni Senador Panfilo Lacson na posibleng umabot sa P6 bilyon ang kickback kada taon kung babaan ang taripa at dagdag ang import allocation para sa imported na baboy.

Sabi ni Lacson, sa Lunes, kanilang iimbestigahan ang epekto ng pagbabawas ng taripa sa pork import sa food security ng bansa.

“While we cannot question the president’s authority under the law to adjust the tariff rates while Congress is not in session, the Senate committee of the whole that is scheduled to conduct its first hearing on this issue on Monday intends to dig deeper into the circumstances that brought the hog and poultry industry to this pathetic state,” sabi ni Lacson.

“And how such tariff cuts, both for“in-quota” and “off-quota” MAV allocations will impact the country’s food security as well as the foreseen revenue losses and the unabated corruption and technical smuggling of agricultural products,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?