22

Jan 7, 2022 @ 9:20
By

Kalsada papuntang Quiapo Church hinarangan

Isinara ang mga kalsada patungo sa Quiapo Church sa Maynila ilang araw bago ang taunang Pista ng Itim na Nazareno.

Naglagay ang mga awtoridad ng mga plastic barrier para harangan ang mga kalsada malapit sa simbahan, ayon sa ulat ng 24 Oras.

Ito ay upang pigilan ang mga deboto na magtipon dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Bukod sa pagsasara ng kalsada, hiniling ng pulisya sa mga street vendor na umalis muna sa lugar.

Ngunit bilang pagdiriwang sa Pista ng Itim na Nazareno, magsasagawa ang simbahan ng online na misa sa Enero 9.

Kamakailan lang, kinanselang muli ang taunang Traslacion at pisikal na misa dahil sa pandemya. (Sherrylou Nemis)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?