159
Kaliwa Dam bitag ng China – opposition candidate
Mar 20, 2019 @ 21:06
By

Kaliwa Dam bitag ng China – opposition candidate

Duda si “Otso Diretso” senatoriable Gary Alejano sa plano na pagtatayo ng Kaliwa Dam sa Quezon na popondohan ng China.

Ani Alejano, posibleng ang naturang dam ay isa sa mga estratehiya ng China para mabaon sa utang ang Pilipinas at madomina nito ang mundo.

Ang Kaliwa Dam ang siyang magiging alternatibong pagkukunan ng tubig ng Metro Manila.

Giit naman ni dating Deputy Speaker Erin Tañada, dapat daw na maglunsad ng imbestigasyon kung bakit hindi pinili ng gobyerno ang alok ng Japan na mas ligtas at murang dam.

Dagdag ni Alejano, ang alok na dam ng Japan ay mas ligtas at 50 porsiyentong mas mura kumpara sa proposal ng China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?