708

Aug 8, 2019 @ 11:32

Kalimutan na si Broner, Mayweather! Rematch kay Pacquiao, magiging fight of the year – Thurman

Dahil sa hindi umano naging `patas’ ang lumabas sa scorecards sa huling pakikipaglaban kay Pambansang Kamao Senator Manny Pacquiao, hiniling ng Amerikanong boxer na si Keith Thurman ang rematch.

“I’m ready for the rematch,” saad ni Thurman sa TMZ Sports at tila pinahiwatig na kuwestiyonable ang naging desisyon na split decision ng mga judges sa huli nitong laban kay Pacquiao.

“I don’t really think he won the fight. I know it was hella close, sometimes it’s a coin toss.. but a coin toss is sometimes 50-50 and you gotta pick heads or tails,” sambit niya na may dugtong na paghamon na pirmahan ng fighting senator ang kontrata para sa muling nilang bakbakan at kahit dito pa gawin sa Pilipinas ang rematch ay handa itong bumiyahe dito dahil mahal daw naman ito ilang mga Pilipino.

“I might have to go the Philippines and we’ll need to talk in person. I might have to do that. Apparently the Philippines loves me now,” sabi pa niya.

Ayon pa sa inagawan ng titulo ng WBA welterweight champion ay ito ang magiging laban sa taon kung matutuloy ang rematch nila ng fighting senator.

“I think it’s the best fight of the year”.

“It wasn’t the Floyd Mayweather fight [with Pacquiao], it wasn’t the Adrien Broner fight [with Pacquiao], it was a real deal championship boxing match,” paniguro pa ni Thurman. (Aivan U. Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?