172

Oct 15, 2018 @ 12:43

Kalikasan panibagong adhikain ni Roque sa pag-alis sa gabinete ni Duterte

Opisyal ng nagpaalam sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps (MPC) si dating Presidential Spokesman Harry Roque.

Sa kanyang pamamaalam ay nagpasalamat ito sa pagkakataong ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte para ipaabot sa publiko ang mga ginagawa ng Duterte administration.

Nagkausap aniya sila ng Pangulo pagkatapos ng isang aktibidad nito kagabi at nakinig siya sa payo ng Presidente.

Aminado si Roque na masikip ang puwesto sa Senado kaya tatakbo ito sa ilalim ng isang party-list group – ang Luntian Pilipinas, kung saan maghahain siya ng certificate of nomination sa Commission on Elections sa Martes.

” This is not the end of our public career.I had a conversation with the President last night right after the book launch of FVR ,and I am taking the advise of the President. While it was always my intention to file a certificate of candidacy for the position of senate, i will actually file tomorrow certificate of nomination for party-list under Luntian Pilipinas,” ani Roque.

Sinabi ni Roque na ang pagtakbo niya sa environmental party-list ay impluwensiya ng mga nangyaring trahedya sa Itogon gayondin sa pagbaha ng airport sa Mactan, Cebu at iba pang may kinalaman sa kalilakasan. (Aileen taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?