463

Aug 12, 2019 @ 17:37
By

Kalihim ng DepEd pinagtanggol ng palasyo ukol sa depektibong textbooks

Pinagtanggol ng Malacañang si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones sa isyu ng umano’y milyon-milyong pisong halaga ng textbooks na binili ng kanyang tanggapan ngunit hindi naman pala nagamit.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kilala niya ang kalihim bilang matalino at hindi papayag na may anomalya sa kanyang departamento.

“As far as I know the secretary of Education is a very competent, intelligent educator. And she is someone who would never allow any irregularity or anomaly inside her department,” dagdag ni Panelo.

Kinukuwestyon ng Commission on Audit ang mga biniling textbooks ng DepEd dahil depektibo umano ang mga ito at binayaran ng milyon-milyong piso ang mga mali-maling libro.

Sinabi pa ni Panelo na nagpaliwanag na si Briones sa Malacañang hinggil sa isyu, dangan nga lamang at wala pa siyang alam sa nilalaman nito.

“I understand the secretary of Education has already made her explanation, mayroon na siyang position paper hinggil dito. Pero hindi ko pa alam ang paliwanag ni Secretary Briones doon,” aniya.

Ang kinukuwestyong textbooks ay napansin na ng Kongreso at mayroon nang mga mambabatas na interesadong imbestigahan ito. (Aileen Taliping) #

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?