9

Aug 4, 2020 @ 22:59
By

Kaligtasan ng mga player No. 1 kay Kume

Suportado ng Philippine Basketball Association (PBA) ang gobyernyo kaya kahit ano ang maging desisyon ng nakatataas ay kanilang sudundin.

Isinailalim sa mas mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang buong National Capital Region kasama ang ilang kalapit probinsiya kaya alanganin na naman ang PBA.

Kaligtasan din ng nakararami ang nasa kukote ni PBA commissioner Willie Marcial kaya susunod ito sa ipinatutupad ng pamahalaan.

Dahil dito, pansamantalang ipinatigil ni Marcial ang swab testing at posibleng ipagpatuloy na lamang sa Agosto 18 na inaasahang pagtatapos ng MECQ.

Alam ni Marcial na hakbang ito ng gobyerno para sugpuin ang coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Nagsimula kahapon ang pagpapatupad ng MECQ na tatagal hanggang sa Agosto 18.

Inaasahang bahagyang maaantala ang pagbabalik laro sa PBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?