239

Apr 29, 2020 @ 17:23
By

Kaligtasan ng mga guro, estudyante titiyakin bago magbalik-eskuwela

Panawagan ni ACT Teachers partylist Rep. France Castro sa pamahalaan na dapat magtakda muna ng mga ‘safety measure’ sa mga eskuwelahan bago pa man isasapubliko kung kailan magbubukas ang klase para sa susunod na school year.

Giit ni Castro, ang kaligtasan muna ng mga estudyante, guro at iba pang education personnel ang pinakamahalaga sa lahat at dapat na tiyakin bago magbubukas ng klase.

“Before determining when the next school year would open, government has to ensure schools have adequate health facilities and precautionary measures in place to protect the health and safety of students, teachers and other education support personnel,” ayon kay Castro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?