37

Nov 22, 2021 @ 15:18
By

Kaligayahan ni Ellen wish ni John Lloyd

Sa unang pagkakataon, nagsalita si John Lloyd Cruz tungkol sa pagpapakasal ng ex-partner niyang si Ellen Adarna kay Derek Ramsay.

Noong Nov. 11 sa isang mountain resort sa Bataan naganap ang kasal nina Ellen at Derek.

Sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” kagabi, hiningan si John Lloyd ng reaksyon sa kasalan, kung saan ring bearer ang anak nila ni Ellen na si Elias.

“Finally, she found the one,” panimula ni John Lloyd.

“Siyempre, sincerely, I wish her all the happiness in the world. And I wish them both a strong and fun marriage. Kasi vital ‘yan sa welfare at sa growth ng anak ko,” saad pa ni Lloydie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?