60

Nov 4, 2019 @ 21:21
By

Kalibre ni Maraño, PH 5 makikilatis sa Super Cup

Pangungunahan ni skipper Aby Maraño ang national team pagsalang sa Philippine Superliga (PSL) Super Cup na magsisimula sa Martes sa Filoil Flying V Centre, San Juan.

Makakaharap ng national women’s indoor volleyball squad ang PSL Shine sa alas-5 ng hapon tapos ng opening ceremony kasunod ng alas-7 ng gabing hamukan ng PSL Sparkle at reigning All-Japan Intercollegiate Volleyball champs University of Tsukaba.

Masusubukan ang tikas ng PH 6 na kagagaling lang sa 12-day training camp sa Japan, bahagi ng kanilang preparasyon ang nasabing event sa iho-host ng bansa na 30th Southeast Asian Games 2019 sa November 30-December 11.

“This event was organized primarily to help the national team prepare for the upcoming Southeast Asian Games,” saad ni PSL president Adrian Laurel. “We know that the SEA Games is not a picnic. That’s why we’re extending whatever help we can to the LVPI to make sure that its goal of emerging with a medal will be achieved.”

Makakasama ni Maraño ng F2 Logistics sina teammates na sina Filipino-American Tyler Marie Kalei Mau, Dawn Macandili at Majoy Baron, Mika Reyes, Frances Molina at Rhea Dimaculangan ng Petron, Mylene Paat at Jovelyn Gonzaga ng Cignal, Kat Arado ng Generika-Ayala at Eya Laure ng Foton.

Para kay national team coach Shaq delos Santos malaking bagay ang pagsali sa Super Cup dahil masusubukan ng kanyang mga bataan ang natutunan sa Japan.

“We would be giving our all because we’re playing in front of our countrymen,” hayag ni Delos Santos. “This is a golden chance for us to show what we’ve got and learn from the Japanese team along the way.”

Pero naniniwala ang grupo ni Delos santos na hindi madali ang kanilang tatahaking landas dahil matindi agad ang kanilang makakalaban.

Ibabandera ng PSL Shine sina former national team players Aiza Maizo-Pontillas, Denden Lazaro MJ Philips, kasama sina Remy Palma, Buding Duremdes, Fiola Ceballos, Ria Meneses, Patty Orendain, Mean Mendrez, Bia General, Amanda Villanueva, Eli Soyud, Rebecca Rivera, Des Clemente, Alex Cabanos at Fritz Gallenero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?