307

Jun 12, 2019 @ 16:25
By

Kalei Mau hahataw para sa F2 Logistics

Mas lalo pang lalakas ang F2 Logistics Cargo Movers papasok sa Philippine Superliga All-Filipino Conference 2019 dahil madadagdag sa line up si Filipino-Hawaiian spiker Kalei Mau.

Lumipat si Mau sa panig ng F2 Logistics dahil nag-disband na ang United Volleyball Club sa liga.

“God continues to bless me with endless opportunities to play this sport. I am happy to announce that I am officially a member of F2 Logistics Cargo Movers. New chapter, same goal. Thank you for all the support,” sabi ni Mau sa kanyang Instagram post habang suot ang F2 Logistics shirt.

Makakasama ng National pool member sa panig ng Cargo Movers sina Aby Maraño, Ara Galang, Dawn Macandili, Majoy Baron at Kianna Dy.

Magsisimula ang PSL sa Hunyo 15 na gaganapin sa FilOil Flying V Centre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?