135

Jun 15, 2019 @ 17:33
By ,

Kalei Mau gagawin lahat para makatulong sa Cargo Movers

Handang mag-adjust si Kalei Mau para makatulong sa F2 Logistics sa Philippine Superliga All-Filipino Conference 2019, ayon kay coach Ramil de Jesus.

Kamakailan lang nag-ober da bakod at pumirma si Mau ng kontrata sa Cargo Movers matapos mabuwag ang tropa nitong United Volleyball Club o UVC.

“Dalawang bagay ‘yan eh, kung maka-adjust ng mabilis o — kasi ito kasi matagal nang magkakasama, alam na nila ‘yung role nila as a player. Kung may mali alam nila na may magco-cover, ito kasi bago,” sabi ni De Jesus.

“Kailangan niyang ma-adapt kung ano’ng meron sa F2 and sa tingin ko willing naman siyang nakapag-adjust.”

Tatlong araw pa lang nagsasanay sa ilalim ng Cargo Movers si Mau at dalawang beses pa lang itong sumama sa drills pero umaasa si Ramil na makakapaglaro na ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?