69

Aug 26, 2020 @ 12:40
By

Kaldero imbestigahan! Robredo inasar si Cayetano

Tila hindi nakalilimot ang panganay ni Vice President Leni Robredo sa P55-milyong stadium cauldron para sa 30th SEA Games.

Kamakailan kasi, sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na gagamitin ang 2021 budget hearings sa pag-imbestiga sa mga isyu ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Komento ni Aika Robredo, sa Twitter kagabi, “K a l d e r o”.

Matatandaang dinepensahan ni Cayetano ang P50-milyong gastos para sa cauldron at tinawag pa itong “work of art”.

Si Cayetano ang chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee na siyang punong-abala sa 30th SEAG.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?