24

Kalbaryo sa passport data breach, ‘wag ipasa sa publiko – Palasyo

Sharing is caring!

Tinutulan ng Malacañang ang hakbang ng Department of Foreign Affairs (DFA) na muling magsumite ng kopya ng birth certificate para sa mga magre-renew ng pasaporte dahil sa nangyaring data breach ng mga pasaporte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi dapat pahirapan ang mga passport holder na makapag-renew ng kanilang pasaporte.

Seryosong usapin aniya ang passport data breach kaya iniimbestigahan na ito ng National Privacy Commission.

“The passport data breach, which the Secretary of Foreign Affairs disclosed is a serious and grave matter,” ani Panelo.

Ayon pa sa kalihim, hindi na dapat pahirapan muling pumila sa Philippine Statistics Authority ang mga aplikante para lamang makakuha ng kopya ng kanilang birth certificate.

Sapat na aniyang ipakita ang dati at kasalukuyang pasaporte sa DFA para ma-renew ang pasaporte ng mga aplikante.

“Applicants should not be burdened by submitting original copies of their certificates of live birth, obtaining which requires another application process before the PSA, to renew their passports just because the producer lost their relevant data,” dagdag pa ni Panelo.

Ang kasalukuyang practice aniya ay hindi lamang pahirap sa mamamayan kundi baka pagmulan pa ng red tape na isa sa pinaka-ayaw ng administrasyon at hindi kukunsintihin.

Tiniyak ni Panelo na hindi nila pababayaan ang isyung ito dahil nais malaman ng mga Filipino ang katotohanan partikular sa arrangement sa printing ng mga pasaporte at kung may batas na nalabag dito. (aileen taliping)#

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?