13

Jun 11, 2021 @ 18:31
By

Kalayaan sa ‘pagtatapon mentality’ panawagan ni Legarda

Sa bisperas ng pagdiriwang sa ika-123 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, nanawagan si Deputy Speaker Loren Legarda sa mga Pilipino na lumaya sa kultura ng pagtatapon ng basura at makiisa sa paglikha ng malinis na kapaligiran.

Ayon kay Legarda ang Araw ng Kalayaan ay pagpapaalala ng paglaya ng bansa mula sa kolonyanismo mahigit isang siglo na ang nakakaraan.

“The current generation, however, continues to wage war for freedom – from pollution, environmental degradation, and climate change. We continue to live in a highly-polluted environment that has placed us in a cycle of disruption, disaster vulnerability, and poverty,” sabi ni Legarda.

Iginiit ni Legarda ang kahalagahan na makawala ang mga Pilipino sa throwaway mentality at umiwas sa paggamit ng single-use plastic na mayroong malaking epekto sa kalikasan.

Ang single-use plastic umano ang naging simbolo ng throw-away culture ng bansa na lalo pang pinalala ng pandemya dahil sa pagdami ng mga take-out order at online delivery.

Mapapalitan umano ang kulturang ito kung gagamit na ibang alternatibo gaya ng bayong at basket.

“As we ourselves are endangering our environment to suffer from possible biodiversity collapse, let us also be the ones to provide sustainable solutions and free our environment from this burdensome plastic waste pollution,” sabi ni Legarda na nakatatlong termino bilang senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?