14

Nov 16, 2020 @ 19:32
By

Kalapati naibenta ng P91M sa auction

Isang Chinese ang hindi nagdalawang-isip na gumastos ng $1.9 milyon o mahigit P91 milyon para sa isang kalapati.

Ayon sa ulat ng Forbes, isang babaeng Belgian-bred pigeon, na kilala sa mundo na pinakamagaling sa karera ng mga kalapati, ang binili ng hindi nagpakilalang Chinese.

Umabot daw sa $1.5 milyon ang bid sa kalapating si “New Kim” sa isinagawang dalawang linggong auction.

Dalawang Chinese ang nagpataasan ng bid kaya record-breaking ang naturang kalapati, na dalawang taong gulang at maagang nagretiro matapos kilalanin bilang “best young pigeon” ng Belgium.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?