258

By

Kalansay ng tao natagpuan sa UP Campus

Kinilabutan ang isang mangangalakal nang makita ang isang human skeletal sa bakanteng lote sa campus ng University of the Philippines (UP) sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO2 Marvin P. Masangkay ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), natagpuan ang kalasansay ng tao sa bakanteng lote sa Blk. 3 UP Arboretum, Brgy. UP Campus, dakong alas-11: 45 ng gabi nitong Sabado (January 26).

Batay sa pahayag ni Joel Mansano, kinakalkal niya ang mga basura sa nasabing lugar nang mabuksan niya ang kalansay ng tao na nakasilid sa itim na garbage bag.

Sa takot ni Mansano ay nagtatakbo ito at agad na ipinagbigay-alam sa UP police ang kanyang natagpuang kalansay sa basurahan.

Agad namang dinala ng SOCO team na pinamumunuan ng PSr. Insp. Jose Bonifacio ang natagpuang kalansay sa PNP Crime Laboratory upang isailalim sa awtopsiya.

Masusing nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad kung ang nakitang human skeletal ay biktima ng isang matagal nang krimen o ito ay pinag-aaralan ng medical students at pagkatapos ay itinapon sa basurahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?