25
crime-scene-dead

Kalansay ng bata, natagpuan sa loob ng sako sa Quezon

Sharing is caring!

May suot pang damit nang madiskubre ang kalansay nang bangkay ng isang 3-anyos na babae sa loob ng sako sa Pagbilao, Quezon.

Ayon sa report, nakita ng tatlong bata ang asul at puting sako habang naghahanap ng gulay sa madamong lugar sa Sitio Upper Sapinit, Brgy. Silangan Malicboy, alas-5:40 ng hapon noong Martes.

Sa pag-aakalang may laman ang sako na maaari pa nilang pakinabangan, binuksan ito ng mga bata at laking gulat nila nang makita ang kalansay at bungo ng isang tao.

Agad sinabi ng mga bata ang kanilang nadiskubre sa isang nakatatanda, na siya namang nag-report sa mga awtoridad.

Sa ngayon umano ay isasailalim ito sa DNA ng Scene of the Crime Operatives para malaman ang pagkakakilanlan nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,