52

By

Kalahating milyong piso ibibigay para sa makapagtuturo kay Peter Lim — DOJ

Sharing is caring!

Nag-alok na ang gobyerno ng kalahating milyong pisong patong sa ulo ng negosyanteng si Peter Lim na akusado sa kasong ‘conspiracy to trade illegal drugs’ sa Visayas.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang pabuya ay ibibigay sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa eksaktong kinaroroonan ni Peter Lim.

Pero ang impormasyon ay dapat na makapagtuturo kay Lim at hahantong sa kanyang pagkakaaresto.

“The government is also ready to give a reward of P500,000 to anyone who can give information on the exact whereabouts of accused peter go lim, provided that such information will lead to the actual arrest of said fugitive,” paliwanag ni Guevarra.

Kasabay nito, nagbabala rin ang DOJ laban sa sinumang nagkakanlong kay Lim na sila ay maaaring habulin ng gobyerno at kasuhan ng obstruction of justice.

“The DOJ warns persons coddling peter go lim, who has been indicted for conspiracy to trade in illegal drugs, that they will be prosecuted for obstruction of justice and punished accordingly,” dagdag ni Guevarra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?