135

Mar 7, 2020 @ 8:25

Kalahati sa 1K crew mga Pinoy: 21 pasahero ng cruise ship sa California positibo sa coronavirus

SAN FRANCISCO, CALIFORNIA – Kumpirmadong may coronavirus ang 21 sakay ng Grand Princess Cruise Ship na pansamantalang hindi pinayagang makalapit sa mga pier sa San Francisco sa California.

Inilabas na ng Center for disease control ang COVID test sa 45 sakay nito na una na nang nagpakita ng sintomas ng coronavirus.

Sa isang press conference sinabi ni US COVID 19 task Force chief at US President Mike Pence na 19 sa mga nagpositibo ay pawang mga crew members.

Humigit kumulang sa 1,100 ang crew ng barko kung saan halos kalahati sa mga ito sa pawang mga Pilipino.

Nakatakdang dahin sa isang pribadong pier ang cruise ship kung saan isasailalim pa sa pagsusuri ang iba pang sakay nito.

Isang military base naman ang inihahanta ng CDC na posibleng gawing quarantine camp para sa mga pasaherong magpapakita ng sintomas ng coronavirus .

Mahigit sa 3,500 ang pasahero ng barko na naglayag mula sa Hawaii.
Nasa isolation area na sa isang bahagi ng barko ang 21 nagpositibo sa COVID 19

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?