174

Dec 14, 2020 @ 19:22
By

Kalabaw na mukhang aso pinagkaguluhan sa Thailand

Sumikat sa Thailand ang isang kalabaw na mukhang pug.

Ayon sa ulat ng The Sun at The Nation Thailand, maraming magsasaka ang handang magbayad ng Bt500,000 o nasa P816,000 para mabili ang kalabaw na si “Mumu” upang mapabuti ang kanilang kapalaran.

Sa ginanap na festival nitong Lunes sa Uthai Thani tampok ang iba’t ibang parada, kainan, rides, souvenir stall at livestock market, naging instant star si “Mumu” at lahat ng mga dumarating ay nagpapa-selfie sa kanya.

Sabi ng may-ari na si Ong-at Ketsin, lumago ang negosyo niya mula nang makuha si “Mumu”.

Sa kabila na marami raw alok na malaking halaga sa kanya para bilhin si “Mumu” ay tinanggihan niya ito dahil nagbibigay sa kanya ng suwerte ang naturang kalabaw.

A buffalo with a face that looks like that of a pug has become famous in Uthai Thani, with many farmers willing to pay…

Posted by The Nation Thailand on Sunday, December 13, 2020

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?