15

Dec 6, 2020 @ 16:06
By

Kala mansyon ng supermodel: Bahay ni DeRozan pinasok ng stalker

Nagulantang ang pamilya ni San Antonio Spurs guard DeMar DeRozan matapos na may manloob sa kanilang bahay na istranghero.

Ayon sa report ng TMZ Sports, isang lalaki ang pumasok sa bahay ng NBA player na nakaabot pa sa playroom ng kanyang mga anak.

Nang marinig ni DeRozan ang kaguluhan ay agad nitong pinuntahan ang playroom at nang makita ang lalaki ay hinarap niya ito at hinabol palabas.

Nang maaresto ang lalaki, napag-alaman na bahay pala ng supermodel na si Kylie Jenner ang dapat na papasukin nito.

Hindi naman nagpaapekto si DeRozan at chill lang sa naturang pangyayari.

“I grew up in Compton, California. I’ve been through worse,” saad nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?