48

Apr 18, 2021 @ 9:35
By

Kakilala ni Sotto ‘nawala sintomas’ dahil sa ivermectin

Muling giniit ni Senate President Vicente Sotto III ang pagiging epektibo umano ng antiparasitic drug na ivermectin laban sa COVID-19.

“Meron akong mga kakilala, tinamaan ng COVID, tumira nang tatlong araw ng ivermectin,” ani Sotto sa panayam sa DWIZ.

“Pagdating ng pang-apat, panglimang araw, tanggal na lahat ng symptoms. Naghintay na lang ng 14 days bago nagpa-check ulit. Pagpa-check, negative na [sa COVID],” kwento niya pa.

Una nang sinabi ng politiko na “once every two weeks” ay umiinom din siya ng nasabing gamot “for prevention” sa naturang virus.

Ito, kahit pa makailang ulit nang nagbabala ang mga health expert, kabilang ang FDA at DOH, sa kakulangan ng ebidensya sa pagiging mabisa ng ivermectin laban sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?