78

Oct 5, 2021 @ 19:48
By

Kakasa na ba? Robredo may pasabog sa Huwebes

Inanunsyo ng Office of the Vice President ngayong Martes na may mahalagang ibubunyag si Bise Presidente Leni Robredo sa Oktubre 7, Huwebes.

“Vice President Leni Robredo will make an important announcement at 11AM this Thursday (7 October 2021), at the Quezon City Reception House,” saad sa abiso ng OVP.

Bagamat ‘di nakasaad ang pasabog ni Robredo, isa sa mga inaasahan ay ang pagtanggap niya ng nominasyon ng 1Sambayan na maging presidential candidate sa 2022.

Una ng sinabi ng bise presidente na tatakbo siya upang pigilan ang pagpapatuloy ng kasalukuyang administrasyon o ang pagbabalik ng mga Marcos sa kapangyarihan.

Samantala, ngayong Martes ay naganunsyo na si dating senador Bongbong Marcos na tatakbo siyang pangulo sa 2022.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?