13

By

Kakarmahin ang mga nagpakulong sakin – Revilla

Sharing is caring!

Bumwelta si dating senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. sa mga nag-akusa sa kanya ng plunder na naging dahilan ng kanyang pagkadetine ng lampas apat na taon.

Sa press conference kasama ang kanyang abogado na si Estilito Mendoza, sinaad ni Revilla na kanyang uunahin kung sakaling mahalal bilang senador sa 2019 ang pagparusa para sa mga false accuser o ‘yung mga namimintang ng mali sa kapwa.

“Yung legislative agenda meron, para dun sa mga false accusers, dapat may counter tayo diyan dahil hindi tama yung nangyayari,” ayon sa dating mambabatas.

Magpahanggang ngayon umano ay nakararamdam pa rin si Revilla ng banta sa kanya, sinabi na patuloy pa rin ang paggalaw ng mga kontra sa kanya para muli siyang makastigo.

“Kumbaga they really want to hang me. Hanggang ngayon gumagalaw sila. Kung may pamilya kayo, maniwala kayo sa karma, babalik din yan sa inyo,” ayon pa sa kanya.

Nilinaw din ni Revilla na hindi siya magbabayad ng P124.5M , ang order lang umano ng korte ay para sa guilty na sina Janet Lim Napoles at dating chief of staff ng dating senador na si Richard Cambe.

“Ano iyung isasauli ko dahil wala naman akong ninakaw sa bayan?” pakli ni Revilla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?